Wolves hiniya ng Cavaliers

CLEVELAND – Hindi naging emos­yu­nal ang unang pakikipag­kita ni Kevin Love sa kan­yang dating koponan.

Inasahan naman ni LeBon James ang naiibang reunion sa Araw ng Pasko.

Umiskor si Love ng 20 points sa kanyang unang lao laban sa Minnesota, habang nagtala si Kyrie Irving ng 29 markers para pagbidahan ang Cleveland Ca­valiers sa 125-104 paglampaso sa Timberwolves.

Susunod na makakatapat ng Cavaliers ay ang dating koponan ni James na Miami Heat.

Ang pagharap ni Love sa Timberwoves kung saan siya naglaro ng anim na seasons bago mangyari ang isang summer blockbuster trade ay natabunan ng injury ni Cleveland center Anderson Varejao.

Nagkaroon ng left leg injury si Varejao sa third quarter at kaagad idiniretso sa kanilang locker room.

Tumipa si James ng 24 points para sa Cavs.

Kumamada naman si Minnesota rookie Andrew Wiggins ng 27 laban sa koponang kumuha sa kanyang NBA Draft.

Nalasap ng Timberwol­ves ang kanilang ikaanim na sunod na kabiguan.

Show comments