DALLAS – Hindi ang debut game ni Rajon Rondo para sa Dallas Mave-ricks ang naging istorya kundi si Monta Ellis.
Dinuplika ni Ellis ang kanyang season high nang tumapos ng 38 points, kasama rito ang 11 sa huling apat na minuto ng fourth quarter, para igiya ang Mavericks sa 99-93 panalo laban sa San Antonio Spurs.
Binasag ni Ellis ang 93-93 deadlock sa kanyang driving basket sa huling 1:48 minuto para ibigay sa Dallas ang panalo.
Nagsalpak siya ng 15-of-23 fieldgoal shooting at nagtala ng 4 steals.
Nalasap ng Spurs ang kanilang ikaapat na sunod na kamalasan, kasama ang dalawang triple overtime games noong Miyerkules at Biyernes.
“I felt it,’’ sabi ni Ellis sa kanyang pag-iinit. “It’s in my blood. Those guys were tired from last night, and their defense let up, so we took advantage.’’
Naglista naman si Rondo, ang four-time All-Star na naglaro ng walong seasons para sa Boston Celtics, ng 6 points mula sa 3-for-11 shooting.
Nagdagdag siya ng 9 assists at 7 rebounds.
“It was exciting,’’ wika ni Rondo. “Best part was we got the win.’’
Nalimitahan naman si Dirk Nowitzki sa 13 points buhat sa 4-of-14 shooting.
Pinamunuan ni Marco Belinelli ang San Antonio sa kanyang 21 points kasunod ang 16 ni Aron Baynes.
Pinagbihis ni Spurs coach Gregg Popovich ang 10 players ngunit walo lamang ang kanyang ginamit.