^

PM Sports

15 atleta pagsasanayin ng PSC sa San Diego

Pang-masa

MANILA, Philippines – Balak ng Philippine Sports Commission na big­yan ng intensibong pag­sasanay ang mga at­leta sa track and field sa hangaring humakot ng maraming gintong me­dalya sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Sa panayam kay PSC Commissioner-in-charge Jolly Gomez, si­nabi niya na nasa 15 atleta ang balak na ipa­dala ng Komisyon sa San Diego, California, USA sa Enero upang mag­sanay dito hanggang Mayo.

“PSC chairman Ricardo Garcia and I are wor­king our best to try and bring 15 athletes to the US from January to May. They will not com­pete anymore in the National Open but there are many races in San Diego that they can compete it,” wika ni Go­mez.

Ang aksyon na ito ay para mahigitan ng ath­letics team ang naku­hang anim na ginto, apat na pilak at tatlong tansong medalya sa Myanmar SEA Games.

Nakikita ni Gomez na kayang tumaas ang ginto medalya sa Singa­pore dahil maganda ang ipinakita ng anim na gold medalists bukod sa pagbabalik ng ilang da­ting sinasandalan at ang po­sibleng pagpasok ng mahuhusay na Fil-Ams.

Ang mga nanalo sa Myanmar ay sina Fil-Am Eric Cray (400m hurdles), Archand  Bagsit (400m run), Jesson Ra­mil Cid (decathlon), Henry Dagmil (long jump), Christopher Ulboc (3,000m steeplechase) at ang 4x400 men’s relay team.

Magbabalik naman sa koponan ang dating SEA Games long jump queen na si Mares­tella Torres at middle dis­tance runner na si Mer­vin Guarte, habang possible gold medalist din si EJ Obiena sa pole vault dahil ang kasalukuyang national record na 5.20m ay mas mataas sa gold medalist ng Myanmar SEA Games na nasa 5.15m.

“I also have a new Fil-Am in Caleb Stuart whose performance in the hammer throw and shot put is better than the SEA Games gold medal mark. Winning 12 gold medals out of 45 events is very good,” dag­dag ni Gomez. (AT)

CALEB STUART

CHRISTOPHER ULBOC

FIL-AM ERIC CRAY

GOMEZ

HENRY DAGMIL

JESSON RA

MYANMAR

SAN DIEGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with