Martinez 6th placer sa Croatia skating competition

MANILA, Philippines – Tumapos si Michael Christian Martinez na pang-apat sa short program at pang-sixth sa free skate para maging sixth overall sa 22 na naglaban sa 47th Golden Spin of Zagreb sa Croatia noong na­karaang linggo.

Si Martinez na kumopo ng silver medal sa Warsaw Cup noong nakaraang buwan, ay nagtala ng 204.45 points para magtapos sa likod nina Denis Ten ng Kazakshtan na may 249.94 points na tu-ma­lo kina Czech Michal Brezina at Russian Kons­tan­tin Menshov na umiskor ng 239.62 at 229.51 points, ayon sa pagkakasunod.

Sumunod sina American Grant Hochsten at Moris Kvitelashvili na pambato rin ng  Russia sa naitalang 219.82 at 207.77, ayon sa pagkakasunod.

Ang Golden Spin of Zagreb ay ang final event ng ISU Challenger Series, isang grupo ng senior-level ska­ting events na kinatatampukan ng apat na categories – men’s, ladies, pair skating at ice dance.

Show comments