Alaska pasok na sa semis

MANILA, Philippines – Sa huddle ng Alaska ma­tapos tumawag ng time­out si coach Norman Black para sa Meralco sa gitna ng first period ay iginiit ni mentor Alex Compton sa kanyang ko­po­nan ang patuloy na pag­pe-pressure.

Ito ay sa kabila ng ka­nilang 14-point lead.

­Lalo pang pinalobo ng Aces sa 22 puntos ang ka­nilang kalamangan sa halftime patungo sa 87-69 pagsibak sa Bolts para uma­bante sa semifinal round ng 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“The story of the game ‘yung umpisa namin ma­ganda. Kapag sa isang half ‘yung kalaban mo naka-25 points lang, malaki tsansa mo,” sabi ni Compton, nakahugot ng 17 points at 9 rebounds kay Vic Manuel, habang nag-ambag ng 15 at 13 markers kina Cyrus Ba­g­uio at Dondon Hontiveros, ayon sa pagkakasunod.

Lalabanan ng Alaska ang No. 2 Rain or Shine para sa best-of-seven se­mi­finals series.

Kinuha ng Aces ang 27-12 bentahe sa first period bago nakalapit ang Bolts sa 58-71 agwat sa ilalim ng walong minuto sa final canto.

Kumamada naman sina Manuel at JVee Casio para muling ilayo ang Alaska sa Meralco sa 81-62 sa huling 4:16 minuto ng labanan.

Nauna nang inilam­paso ng Alaska ang Me­ralco via 41-point win, 105-64 sa kanilang unang paghaharap sa elimination round.

ALASKA 87 - Manuel 17, Baguio 15, Hontiveros 13, Casio 11, Banchero 8, Abueva 5, Jazul 5, Exciminiano 4, Dela Cruz 4, Menk 3, Dela Rosa 2, Eman 0, Thoss 0.

Meralco 69 - Wilson 16, Anthony 11, Cortez 11, David 8, Caram 7, Hodge 5, Macapagal 4, Buenafe 3, Dillinger 2, Hugnatan 2, Il­defonso 0, Ferriols 0, Sena 0, Guevarra 0.

Quarterscores: 27-12; 47-25; 64-50; 87-69.

Show comments