MANILA, Philippines – Lalong dumarami ang bilang ng mga interesadong lumahok sa 6th Le Tour de Filipinas na pakakawalan sa Pebrero 1-4, 2015.
Umabot na sa 18 foreign teams ang bilang ng mga aplikante para sa nasabing cycling event na inorganisa ng Ube Media ni Air21 PhilCycling chairman Bert Lina na nag-lalayong dalhin ang Phi-lippine cycling sa global stage.
Lilimitahan sa 15, kasama na ang national team at continental squad, ang bilang ng mga partisipante.
Kabilang sa mga aplikante ay ang apat na koponan ng Iran na TSR Continental Team, TPT Cycling Team, Pishgaman Yazd Pro Cycling Team at Tabriz Shahrdadi Team, habang ang Team Ukyo at Bridgestone Cycling Team ay mula sa Japan bukod pa sa RTS Carbon Team at Attaque Team Gusto mula sa Taiwan.
Nakakuha rin ng interes ang Le Tour mula sa Europe, ang Frøy-Bianchi Continental Team na na-kabase sa Norway, United States, Team Novo Nor-disk (TNN) at Australian squads na Satalyst Giant Racing Team at Team Vorarlberg. Ang iba pa ay ang Brunei (CNN Cycling team at Brunei Prince’s Team), Kazakhstan (Astana Continental Team), Indonesia (Pegasus Continental Team), Malaysia (Terengganu Cycling Team) at Uzbekistan (National Team).
Ang Stage One sa Pebrero 1 ay isang out-and-back 126-km Bala-nga-Balanga ride sa mga bundok ng Bataan, habang ang Stage 2 sa Pebrero 2 ay 153.75 kms flat racing mula Balanga hanggang sa Iba, Zambales.
Isang 149.34-km race mula sa Iba patungong Lingayen, Pangasinan ang Stage 3 sa Pebrero 3 at ang Stage 4 sa Pebrero 4 ay galing sa Lingayen hanggang sa Burnham Park sa Baguio City via Kennon Road.
Tanging sina Baler Ravina (2012) at Mark John Galedo (2014) ang mga Filipino riders na nagkampeon sa Le Tour.
Ang mga foreign ri-ders na naghari ay sina Rahim Emami (2011) at Ghader Mizbani (2013) ng Iran at David McCann (2010) ng Ireland.