Barako pasok sa quarters

MANILA, Philippines – Dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang Barako Bull para kunin ang isa sa walong quarterfinals ticket.

Kumolekta si guard RR Garcia ng 22 points, kasama dito ang 3-of-5 shooting sa three-point range at 5 rebounds para pamunuan ang Energy sa 92-87 pana-lo kontra sa NLEX Road Warriors sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Naagaw ng NLEX, posible pang makalaban ang Kia sa ika-10 at hu-ling quarterfinals seat, ang 66-62 abante sa pagtatapos ng third period matapos lumamang ang Barako Bull sa 49-41.

Ngunit sumandal ang Energy kina Garcia, Chico Lanete at Willy Wilson para ilista ang 88-81 bentahe laban sa Road Warriors, nalasap ang kanilang ikatlong dikit na kamalasan, sa huling 20.1 segundo sa fourth quarter. (RC)

Show comments