Muller lalaro na sa Azkals vs Thais?

MANILA, Philippines - Posibleng makasama ng Azkals ang Filipino-German goal keeper na si Roland Muller sa mahala-gang laro kontra sa Thailand sa Sabado sa Rizal Memorial Football Pitch.

Ito ang home game ng Azkals sa 2014 AFF Suzuki Cup semifinals at dapat na ipanalo ng Azkals ang laban para ma-ngailangan na lamang ng draw sa home game ng Thais sa Disyembre 10.

Hindi nakasama si Muller ng Azkals sa group elimination na ginawa sa Hanoi, Vietnam  kung saan tumapos ang pambansang koponan sa pangalawang puwesto sa Group A sa 2-1 baraha.

Ang 26-anyos na goal keeper ay naglalaro sa Servette FC sa Swiss Challenge League ngunit nabigyan ng red card sa huling asignatura para masuspindi sa linggong ito.

“Ronald Muller got a red card and will be out in their next game. We have to have a confirmation from the club that they will release him. Hopefully, we get that today and he will be here on Wednesday or Thursday,” paliwanag ni German-American Azkals coach Thomas Dooley nang maging bisita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Masidhi ang pagnanasa ng Azkals na manalo dahil noon pang 1971 huling nanaig ang bansa sa Thais na kilala bilang isa sa pinakamalakas na koponan sa rehiyon.

“The last time we beat Thailand was in 1971. We lost our last 14 games and it’s time to write history,” dagdag ni Dooley.

Itinuturing ng beteranong coach na nasa limang porsiyento lamang ang magiging epekto ng manonood para sa Azkals dahil ang katunggali ay bihasa nang maglaro sa libu-libong manonood.

Kaya’t nananalig si Dooley na mailalabas ng Azkals ang larong ipinakita nang hiritan ang Indonesia ng  4-0 shutout win para wakasan ang walong dekadang pagyuko sa nasabing koponan.

“This is one of the biggest game we will play this year. We have to show to everybody that we can win big games. If the team is focused like we were against Indonesia, then we can beat them,” wika pa ni Dooley. (AT)

Show comments