Algieri dedma sa ‘cheering squad’ ni Pacquiao
MACAU – Higit sa 300 tao ang dinala ni Manny Pacquiao dito sakay sa dalawang AirAsia A320 planes mula sa General Santos City noong Lunes.
At inaasahang dudumugin ng mga fans ni Pacquiao, kasama ang mga naka-base sa Hong Kong, ang 13,000-seater na Cotai Arena sa The Venetian para sa laban nila ni Chris Algieri sa Linggo.
Sinabi ni Algieri, halos 30 tao lamang ang kasama niyang nagpunta rito, na nararamdaman niyang para siyang nasa alien territory, ngunit balewala ito sa kanya.
“I don’t think it’s going to be a factor come fight night. It’s just me, myself and Pacquiao inside that ring,” sabi ni Algieri sa pakikipag-usap niya sa mga reporters sa loob ng training gym kung saan ipinakita niya ang kanilang hindi ordinaryong training methods ni trainer Tim Lane.
Lumundag si Lane sa loob ng ring na nakapaa, naaayon sa traditional Muay o kickboxing attire, para sa kanilang pagpapapawis ni Algieri.
Nakipagsabayan din si Algieri ng ilang rounds kay Keith Trimble, nakasuot ng makapal na body protector.
Sinabi ng American challenger na maganda ang kanilang naging training camp.
“The conditioning is there. And it’s only getting better. You have to be in phenomenal shape to beat a legend like Pacquiao because he’s a guy who’s also in great shape. Pacquiao has a lot of speed and angles and you should be ready for anything. If I’m not slowing down and I get stronger,” ani Algieri. (AC)
- Latest