^

PM Sports

Apektado ang kita sa Metro Turf sa ‘di pagsakay ng mga hinete

Pang-masa

MANILA, Philippines – Naniniwala ang mga horseowners, horse trai­ners at iba pang maliliit na tao na umaasa sa kaun­ting kikitain sa Metro Turf sa Malvar, Batangas na sinasadya ng mga hinete ang pagtanggi na lumahok sa mga karera sa nasabing race track para maparalisa ito.

Tulad ng pinanga­ngam­bahan ng pamunuan ng ikatlong ra­cing club sa bansa ay nagdesisyon uli ang may 80 hinete na hindi sasakay sa karera na dapat gawin sa Metro Turf (noong  Martes) at (kahapon) dahilan upang kumilos ang Philippine Racing Commission (Philracom) na
ilipat ang  karera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nagtataka ang mga apektado sa ikinilos ng mga hinete gayong may napagkasunduan na ang  jockeys’ association, pamunuan ng racing  club at trainers na sistema upang mabawasan  ang insidente ng malaking disgrasya sa mga hinete matapos ang pagpupulong noong Biyernes sa harap ni Philracom chairman Angel Castano Jr.

Sa isa ring panayam kay New Philippine Joc­keys’ Association of the Philippines (NPJAP) Gilbert  Francisco  ng Karera Pilipinas na nakaposte sa website ng samahan, mismong si Francisco ay kumbinsido na may magaganap na karera kahapon.

“Walang nakikitang problema (pagkakaroon ng karera sa Metro Turf). Hangga’t may pag-uusap, nagkikita sa gitna. Kapag may pag-uusap, may magandang pagtatapos,” wika ni Francisco sa panayam.

Kaya’t gulat ang ibang sektor sa biglang pagkansela sa dalawang araw na karera dahil sa pagtangging sumakay ng mga hinete.

“Dalawang beses lang ang karera dito tapos gaganyanin pa nila. Nagkaroon na ng kasun­duan pero bigla mu­ling kumilos ang mga hinete at hindi sasakay.
Scripted na ito at tala­gang nais yata nilang perwis­yuhin ang Metro Turf,” wika ng isang horse owner.

Nangamba ang mga hinete matapos ang grabeng  pinsala na inabot ni joc­key Leonardo Cuadra Jr.  na nahulog sa kabayo noong ­Nobyembre 2 matapos may nakabanggaan ang dalang  kabayo.

Kinailangang operahin sa ulo si Cuadra at hanggang ngayon ay nasa ospital pa.

Naniniwala ang mga hinete na karapatan nila ang tumanggi sa pagsakay lalo na kung buhay na nila ang nakataya. (AT)

ANGEL CASTANO JR.

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HINETE

KARERA

KARERA PILIPINAS

METRO TURF

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with