MANILA, Philippines – Naihatid na nina Patrick Reichelt, Juani Guirado, Manny Ott at Jeffrey Christiaens ang Ceres-La Salle para sa korona ng katatapos na Football Alliance League Cup ng United Football League (UFL).
Ngayon naman ay tutulungan nila ang Philippine Azkals para sa kampanya sa darating na Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup.
Hindi pinayagan ng Ceres-La Salle ang apat na sumama sa Azkals sa pagsagupa sa Nepal sa isang friendly match sa Qatar noong nakaraang Sabado.
Ang paghahanda para sa FA League Cup knockout phase ang naging dahilan ng management.
“It’s very big to play for the country, but there are times when you have to step back as a player and let people who know better decide,” sabi ni Reichelt. “No one among us wanted to miss the friendly. But it was a reasonable decision for our club. We had to stay here.”
“Every single player wants to play for the national team, but we need to respect the local teams and we are working hard to win something,” sabi naman ni Guirado.
Inangkin ng Ceres-La Salle ang FA League Cup title matapos ungusan ang Global FC, 2-1, sa finale noong Huwebes.
Tiniyak ng apat ang kanilang paglalaro para sa Azkals sa Asean Football Federation Suzuki Cup.
“It’s a big tournament,” sabi ni Guirado sa Suzuki Cup kung saan dalawang sunod na pagkakataon nakapasok ang mga Filipino sa semifinal round.
Sina Reichelt, Guirado, Christiaens, Ott at Paul Mulders ay kasama sa 24-man lineup ng Azkals sa kanilang friendly game laban sa Thailand ngayon.