Pau Gasol humihingi pa ng tulong para sa Yolanda victims

MANILA, Philippines - Hiningi ni basketball superstar and Unicef Ambassador Pau Gasol ang suporta ng mga netizens sa buong mundo para tulungan ang mga batang Pinoy na naapektuhan ng typhoon Haiyan/Yolanda na nanalasa sa Pilipinas noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Sa isang video message na ipinoste sa Youtube, pinuri ng long-time UNICEF ambassador ang global child rights agency at iba pang humanitarian groups para sa kanilang recovery efforts.

“Haiyan devastated homes, infrastructures and life, recovery and reconstruction for millions of people are not possible within a few months or even a year,” wika ni Gasol.

Show comments