^

PM Sports

Mapapaisip si Pacquiao sa pagharap kay Algieri

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa pagsagupa ni Manny Pacquiao kay Chris Al-gieri sa November 23 sa Macau, iniisip ng boxing icon na mapapalaban siya ng isip sa isip.

Sa isang interview transcript ng ESPN.com, inihalintulad ni Pacquiao si Algieri sa isang puzzle na nangangailangan ng sapat na pag-iisip para makuha ang sagot.

“Chris Algieri poses many puzzles for me to solve. In terms of his height and reach, only Antonio Margarito surpasses him in the scope of opponents I have faced. Algieri is also the most scientific, fluid and fittest fighter I have ever opposed,” sabi ng Fighting Congressman.

Sa taas na 5-foot-10, tunay na malaki ang  wala pang talong si Algieri laban sa 5-foot-6 na si Pacquiao at nagtataglay ng five-inch reach advantage na 72” kumpara sa 67” ng Pambansang Kamao.

Pagsamahin mo ito at ang mabigat na jab ng New Yorker at solidong all-around boxing skills at maaa-ring ito na ang pinakamabigat na laban ni Pacquiao.

“All of those factors, plus he is five years younger than me, make him the most dangerous opponent of my career,” dagdag ni Pacquiao.

Sinabi pa ni Pacquiao na isa ring laban ng isip ang boxing at kailangan niyang mag-adjust sa anumang gagawin ni Algieri.

“To me, boxing is a lot like chess. You don’t just move a piece and wait for your opponent to respond, you have to see the board and think 10 to 12 moves ahead and anticipate the variables your opponent may counter with. Algieri does that and he does that very well,” wika ni Pacquiao.

Papasok sa laban ang WBO welterweight champion bilang paborito ngunit alam niya ang tibay ni Algieri.

Sa kanyang huling laban ay ginitla ng American ang paboritong si Ruslan Provodnikov para agawin ang WBO light welterweight title.

Sa nasabing laban ay dalawang beses bumagsak si Algieri sa first round para resbakan si Provodnikov tungo sa kanyang upset win na nagbigay ng pagkakataon para malabanan niya si Pacquiao.

“If you look at his recent fights – against Mike Arnaoutis, Emanuel Taylor and Ruslan Provodnikov – each victory for him was considered an upset,” ani Pacquiao. “Yet Algieri never considered himself an underdog, he went into each fight confident.”

ALGIERI

ANTONIO MARGARITO

CHRIS AL

CHRIS ALGIERI

EMANUEL TAYLOR AND RUSLAN PROVODNIKOV

FIGHTING CONGRESSMAN

MIKE ARNAOUTIS

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with