^

PM Sports

May misyon ang Pinas sa Singapore SEAG

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Tinutukoy na ang mga atletang isasabak sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Singapore sa June 2015.

Ito ay upang masimulan na ang preparasyon ng mga atleta para sa target  na third at fourth place overall.

Nag-announce na ang Philippine Sports Commission na all-out na sila ngayon.

Kung token delegation lang ang ipinadala sa Myanmar SEA Games noong 2013, full contingent na ngayon ang planong ipadala sa Singapore SEA Games.

Layunin ng PSC at ng Philippine Olympic Committee (POC) na  makabawi sa  pinakamasamang pagtatapos ng Pinas sa SEA Games na 6th place.

Sa ipinadalang 210 atleta noong 2013 SEA Games, nakapag-uwi ang Philippine Team ng  29 golds, 34 silvers at 38 bronzes sa 26-sports discipline na sinalihan.

Noong 2011 SEAG sa Indonesia, 512-katao ang ipinadala ng Pinas ngunit noong 2013, token delegation lang ang ipinadala ng Pinas bilang protesta sa pagdadagdag at pagbabawas ng events ng host Myanmar na pabor sa kanila.

Sa Singapore SEA Games, pagkakataon ng Pinas na makabawi.

Huwag na nating asamin ang overall title. Third place ang tinatarget at hindi na puwedeng mas mababa pa sa fourth place ang tinitingnan ng PSC.

I-push natin ‘yan.

May isang problema lang…. budget..

GAMES

HUWAG

LAYUNIN

MYANMAR

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE TEAM

SA SINGAPORE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with