Lady Troopers lalapit sa finals seat

MANILA, Philippines – Ang ikaapat na sunod na panalo na maglalapit sa isang laro sa Finals ang balak tuhugin ng Philippine Army Lady Troopers sa Meralco Power Spikers sa pag­bubukas ng second round elimination ngayon sa Sha­key’s V-League Season 11 Third Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nanggaling ang Open Conference champion na Army sa 25-19, 25-18, 25-18 panalo sa pagharap sa Meralco sa kanilang pagtutuos sa alas-6 ng gabi.

Kakailanganin na lamang ng Lady Troopers na maipanalo ang isa sa huling dalawang laro o di kaya ay matalo ng isa sa huling tatlong laro ang PLDT Home Telpad Turbo Boosters para umabante sa championship sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s katuwang ang Accel at Mikasa.

Mauunang magsukatan ang Systema Active Sma­shers, kasalo ang IEM sa liderato, at FEU Tamaraws sa men’s division sa alas-4 ng hapon.

Tangan ng Systema ang 2-1 baraha.

Show comments