MANILA, Philippines - Tinalo ng Rizal Technological University ang 2013 champion San Beda College Alabang, 25-21, 25-18, 25-20, para kunin ang 45th WNCAA senior volleyball crown sa Rizal Memorial Coliseum noong Linggo.
Nauna nang sinikwat ng San Beda, winalis ang pitong elimination matches, ang finals opener, 25-13, 25-23, 25-14, bago nakatabla ang RTU sa 27-25, 27-25, 13-25, 25-19 panalo sa Game 2.
Magkatabla naman sa 1-1 ang mid-gets duel sa pagitan ng Miriam College at St. Paul College Pasig.
Nakuha ng St. Paul ang Game 1 noong Sabado, 25-19, 25-16 at nakabangon naman ang Miriam sa Game 2 sa kanilang 12-25, 25-22, 25-21 tagumpay.
Ibinulsa naman ng Miriam ang Game 1 sa junior finals opener laban sa St. Scholastica’s College, 25-17, 21-25, 25-18, 25-19.
Sa midgets basketball, pinitas ng DLSZ ang kanilang ikaapat na sunod na korona matapos walisin ang St. Stephen’s High School, tampok dito ang 35-11 panalo sa game 2.
Tinalo ng La Salle College Antipolo ang Chiang Kai Shek College para sa junior basketball title mula sa 51-46 pananaig sa Game 3 matapos kunin ang Game 2, 76-61.