NETS naungusan ang Kings

SHANGHAI – Tumipa si Mirza Teletovic ng isang 3-pointer sa huling minuto ng laro para igiya ang Brooklyn Nets sa 97-95 preseason win kontra sa Sacramento Kings sa una sa dalawang NBA exhibition games na lalaruin sa China ngayong taon.

Nagkaroon ng tsansa ang Kings na makatabla sa huling 20 segundo ngunit nasupalpal ni Sergey Karasev ang jumper ni Ben McLemore kasabay ng pagtunog ng final buzzer.

Pinamunuan ni Brook Lopez ang Nets sa kanyang 18 points at 6 rebounds at may 12 points at 6 assists naman si De-ron Williams.

Umiskor sina Teletovic at Jarrett Jack ng tig-10 points.

Si Lopez ay nagmula sa isang foot surgery at ginugol ang kanyang season sa sidelines.

Show comments