^

PM Sports

Labanan ng mga taekwondo champs

Pang-masa

MANILA, Philippines – Labanan ng mga kampeon ang magiging tema ng 2014 Smart MVP Best of the Best Taekwondo Championships na gaganapin sa October 18-19 sa SM Fairview.

Maglalaban-laban ang mga blackbelters mula sa 12 regions kabilang ang ARMM, CAR, CARAGA at National Capital Region sa dalawang araw na torneo.

Ayon kay tournament director Jesus Morales III, many-time national coach, tanging ang mga gold medalists sa Luzon, Visayas at Mindanao national events, UAAP, NCAA, AFP-PNP Olympics, lahat ng PTA (Philippine Taekwondo Association) tournaments sa Metro Manila at mga pa-torneo ng Taekwondo Blackbelt Brotherhood at Taekwondo Blackbelt Sorority at ang mga kabilang sa Philippine national team, ang maaaring sumali.

May 600 senior at junior male at female ang inaasahang sasali sa iba’t ibang Olympic weight categories.

Para maiwasan ang human error at masiguro ang accurate, fair scoring at spectator-friendly matches, gagamitin ang  officiating system  ng taekwondo na kinabibilangan ng PSS (protective scoring system) at ESS (electronic scoring system), electronic armors at socks at IVR (instant video replay) sa pagbilang ng puntos na makikita sa monitoring screen.

Muling sinuportahan ng numero unong sports patron ng bansa na si Smart Communications at PLDT chairman Manuel V. Pangilinan ang PTA tournament na ito na may ayuda mula sa Smart Communications Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, TV5 at Meralco.

BEST OF THE BEST TAEKWONDO CHAMPIONSHIPS

JESUS MORALES

MANUEL V

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

SMART COMMUNICATIONS

SMART COMMUNICATIONS INC

SPORTS FOUNDATION

TAEKWONDO BLACKBELT BROTHERHOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with