SENDAI, Japan – Hindi kinaya ng Manila West ang Kranj ng Slovenia na hindi pinaiskor ang mga Pinoy sa huling 5-minuto ng laro tungo sa 21-12 panalo upang sumulong sa semis ng FIBA 3x3 World Tour Finals sa Xebio Sports Arena.
Nakuha ang control sa laro ng third seed na Slovenians, naka-sweep ng Pool C para makatapat ang No. 2 team ng Pool B na Manila West, nang humina ang depensa ng mga Pinoy sa ikalawang bahagi ng labanan.
Ang quartet nina KG Canaleta, Aldrech Ramos, Rey Guevarra at Terrence Romeo ay hindi naka-shoot sa huling 5:13 minuto ng laro kaya hindi nila nasustinihan ang paghahabol matapos idikit ang iskor sa 14-12 mula sa 11-6.
Mula sa bench, gumawa ang Meralco Bolts forward na si Guevarra ng anim na sunod na puntos kabilang ang dalawang long range baskets para makapanakot sa Kranj, runnerup sa Lausanne Masters.
Itinanghal na kampeon ang Novi Sad ng Serbia na ipinakita kung bakit sila ang top-ranked team nang kanilang igupo ang Saskatoon ng Canada, 21-11,
Nagsubi ang Novi Sad ang $20,000 cash prize bukod pa sa ticket para sa FIBA 3x3 All-Stars na gaganapin sa Doha, Qatar sa December.
Hindi rin nakausad sa finals ang Kranj nang sibakin sila ng mainit na No. 1 seed Novi Sad, 22-13, kin ahapunan.
Isinaayos naman ng Saskatoon ng Canada ang championship clash laban sa Serbian team nang kanilang igupo ang Bucharest, 19-16.