Duncan, Parker nagpasikat

ISTANBUL -- Kumolekta si Tim Duncan ng 23 points at may 22 si Tony Parker para pangunahan ang San Antonio Spurs sa 96-90 panalo kontra sa Fenerbahce Ulker sa isang exhibition game.

Humakot sina Parker at Duncan ng tig-7 rebounds para sa defending NBA champion Spurs, nagmula sa 93-94 kabiguan sa Alba Berlin noong Miyerklules sa Germany.

Nagdagdag si Manu Ginobili ng 12 points at 8 rebounds para sa San Antonio.

Show comments