Neal nagbida sa tagumpay ng Hornets

GREENVILLE, South Carolina — Ku­mayod si Gary Neal ng 19 points at pinigilan ng Charlotte Hornets ang Washington Wizards, 99-86, para sa una nilang panalo sa dalawang laro sa pre­sea­son.

Kinuha ng Hornets (1-1) ang 12-2 abante sa unang apat na minuto.

Ibinaon nila ang Wizards mula sa 23-point lead patungo sa kanilang ta­gumpay.

Nagdagdag si Al Jefferson ng 12 points at 10 rebounds.

Umiskor naman si Kemba Walker ng 13 points, samantalang may 15 si Jannero Pargo at nag-ambag ng 13 si North Carolina rookie P.J. Hairston mula sa  bench.

Hindi naglaro si Lance Stephenson, ang offseason free-agent acquisition ng Hornets mula sa Indiana Pacers, dahil sa isang toe injury.

Nakahugot ang Washington (2-1) ng 16 points mula kay Xavier Silas.

Show comments