Raptors pinayukod ang bisitang celtics

TORONTO — Nagposte sina Kyle Lowry at DeMar DeRozan ng tig-18 points, habang nagdagdag si Patrick Patterson ng 17 sa 116-106 paggiya sa Toronto Raptors laban sa Boston Celtics sa kanilang preseason game.

Binanderahan ni Avery Bradley ang Boston sa kanyang 22 points kasunod ang 19 ni Marcus Thornton at 14 ni  Brandon Bass.

Nagdagdag naman sina Amir Johnson at Greivis Vasquez ng tig-13 mar­kers para sa Raptors na naghulog ng isang  12-0 atake sa gitna ng fourth quarter para iwanan ang Celtics.

Nagbalik si Toronto guard Terrence Ross sa starting lineup matapos umupo noong Martes kung saan sila natalo sa Sacramento dahil sa kanyang sumasakit na kanang tuhod.

Bago ang laro ay sinabi ni Celtics coach Brad Stevens na sinimulan na ni injured guard Rajon Rondo (broken left hand) ang pagsali sa kanilang non-contact practice drills.

Malalaman din ni Stevens ang kon­dis­yon ni center Vitor Faverani, hindi na­kasama sa training camp dahil sa kanyang sumasakit na kaliwang tuhod.

Hindi naglaro para sa Boston sina forward Jeff Green (left calf) at guard James Young (left hamstring).

Show comments