Warriors nalo sa Lakers

LOS ANGELES -- Umiskor si Klay Thompson ng 25 points at nagdagdag ang kanyang backcourt-mate na si Stephen Curry ng 20 para igiya ang Golden State Warriors sa 120-105 preseason win laban sa LA Lakers.

Tumipa si Kobe Bryant, lumaro sa unang pagkakata-on sa Staples Center sapul noong Disyembre 10, 2013, ng 15 points sa 23 minuto bago iniupo sa fourth quarter.

Napanood ang two-time scoring champion sa anim na laro lamang noong nakaraang season dahil sa ruptured Achilles tear at fracture sa kanyang kaliwang tuhod.

Hindi pinaglaro ni coach Byron Scott ang 40-anyos na point guard na si Steve Nash.

Show comments