Beasley mas piniling maglaro sa China

MANILA, Philippines - Nagtungo si Michael Beasley sa training camp ng Grizzlies’ na may non-guaranteed deal kaya hindi tiyak kung mapapasama siya sa opening night roster.

Ang pagkakataong makakuha ng ma-laking one-year deal sa Shanghai ay isang bagay na hindi niya matatanggihan.

Hindi komportable si Beasley na bumiyahe sa Memphis sa kanilang two-game preseason road trip, at sinabi ng isang team official na, “That was going to make it much harder for him to make the team.”

Sa pagtatapos ng CBA season sa Marso, si Beasley ay maaari nang pumirma sa anumang NBA team.

Ang Sharks ay pagmamay-ari ni Yao Ming, ang dating Houston Rockets star.

Show comments