MANILA, Philippines – Nagkaroon kamakailan ng fan’s day ang San Miguel Gin Kings na pinangunahan nina Dylan Ababou, Joseph Yeo at Josh Urbiztondo, bilang bahagi ng pagsisimula ng pag-iikot ng Ginebra San Miguel 180th anniversary travelling exhibit sa iba’t ibang malls. Laman ng exhibit ang kasaysayan ng pinakaunang gin sa Pilipinas na itinatag noong 1834, kasama ang kuwento sa likod ng bottle label na iginuhit ni national artist Fernando Amorsolo. Kasama rin sa exhibit ang ang iba’t ibang Ginebra calendar girls at isang tribute kay basketball living legend Robert Jaworski, Sr. na siyang nag-umpisa ng never-say-die spirit ng Gin Kings.