May aasahan pa sa medalya - Garcia
INCHEON, Korea—Naniniwala si Chief of Mission Ricardo ‘Ritchie’ Garcia na darating sa mga huling araw ng 17th Asian Games ang mga medalyang hinihintay mula sa 150-atletang Team Philippines.
Hindi nababahala si Garcia, chairman ng Phi-lippine Sports Commission (PSC) na gumastos sa training at participation ng mga Filipino athletes dito, sa mahinang simula ng mga Pinoy Athletes na may dalawang silver at isang bronze pa lamang matapos ang anim na araw ng aksiyon na hatid ng mga wushu athletes.
Ang boxing ang isa sa mga sport na sinasabi ni Garcia na malakas ang tsansang makasikwat ng gold medal dahil lima pang boksingero ang lumalaban sa kanilang mga weight divisions sa men’s category.
Bukod dito, may dalawa pang malalakas na lady boxers ang sasalang.
Darating ngayon ang mga panlaban sa taekwondo na inaasahan din na magdeliber ng medalya.
Naririyan din ang Philippine Volcanoes na lalaban sa rugby competition.
Maganda rin ang inilalaro ng mga golfers bukod pa sa Gilas Pilipinas na inaasahan ding makapaghatid ng gold o kung hindi man ay ng siguradong medalya.
May kakayahan ding magbigay ng medalya ang karatedo at puwede ring umasa sa BMX cycling.
“There’s karatedo and BMX cycling which could still give us gold medals. Until the games are over, we should strive hard to win here,” sabi ni Garcia. (BRM)
- Latest