Maraming imbitasyon ang PBA
MANILA, Philippines - Nakatakdang sumabak ang Talk ‘N Text sa mini-tournament sa Guam habang ang PBA ay inimbitahan na magpadala ng dalawang teams sa Dubai International Tournament sa January, isang malinaw na indikasyon na nakilala na ang kalidad ng basketball ng mga Pinoy matapos ang ipinamalas ng Gilas Pilipinas sa nakaraang FIBA World Championship.
Marami ring imbitasyon para sa out-of-town games.
Sa katunayan, lalaro rin ang Barangay Ginebra, Barako Bull at Rain or Shine sa isang mini tournament laban sa mga local teams sa parteng Kabisayaan.
Lalaro ang four-peat champion San Mig Coffee at Globalport sa ilang serye ng tune-up matches sa Korea na bahagi ng kanilang paghahanda para sa PBA Season 40 na magsisimula sa Oct. 19.
Bago ang Asian Games, may mga PBA teams na nakipag-tune-up game kontra sa Kuwait at Qatar national teams.
Ang dalawang Middle East ay nag-training dito sa Pinas bago tumulak sa Incheon Asian Games.
Sasabak ang Talk ‘N Text sa Guam invitationals sa first week ng October.
Hinihintay pang apru-bahan ng PBA board ang partisipasyon ng liga sa Dubai meet sa January na kasabay ng PBA Phi-lippine Cup.
Gagawin ng PBA board ang planning session sa Korea sa Sept. 29-Oct. 4 kung saan inaasahang magpapakita rin sila ng suporta sa Gilas Pilipinas sa Asian Games.
- Latest