Pinoy Jr. riders na kumarera sa FIM Asia Cup Road Race bisita sa PSA Forum

MANILA, Philippines – Magiging bisita ang dalawang batang Filipino riders na sumabak sa opening leg ng FIM Asia Cup Road Race sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.

Ilalahad nina McKinley Kyle Paz at Herbert Lopez, miyembro ng Team NAMSSA-Racewell, ang kanilang mga eksperyensa sa paglahok sa first leg ng racing event na idinaos sa Japan noong Agosto 23-24 kung saan bumandera si Paz sa Race 1 at 2.

Ang public sports program ay isinasaere nang LIVE sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Accel, Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

Panauhin din sa ses-yon si Underground Battle series founder Ferdie Munsayac na tatalakay sa darating na Underground Battle 6 sa Pampanga ngayong linggo.

Hinihikayat ni PSA president Jun Lomibao ng Business Mirror na dumalo ang mga mi-yembro sa alas-10:00 ng umagang sesyon.

Show comments