^

PM Sports

Humataw na ang China

Pang-masa

INCHEON, South Korea – Umalagwa na ang perrenial overall champion China sa medal race nang makasikwat agad ng kabuuang 38 medalya matapos ang tatlong araw nakompetisyon sa 17th Asian Games dito.

Kasabay nito, bumabandera na rin ang Vietnam sa mga bansang kahanay ng Pinas mula sa South East Asia, na may pitong ginto at isang pilak.

Humakot ang mga Tsino ng kabuuang 25 gold medals, 14 silvers at 18-bronzes hanggang kahapon as of presstime.

Mahigpit naman na bumubuntot ang host South Korea na mayroong 15-14-16 gold-silver-bronze medal production.

Ang Japan ang pumapangatlo sa 13-13-16 ng gold-silver-bronze medals.

Kasunod naman ng Vietnam ang Malaysia at Indonesia na kapwa naka-harvest ng tigatlong ginto habang mayroon na ring dalawang ginto ang Myanmar.

Ang Laos ay maroon na ring  isang pilak.

Ang perrenial SEA Games champion na Thailand ay wala pang panalo tulad ng Pilipinas.

Tila napag-iiwanan na ang Pinas ng mga karatig bansa sa Far East dahil ang mahihinang Myanmar at Laos dati ay nakauna pa sa Pinas.

Sa apat na araw na aksiyon, nanatiling bokya ang mga Pinoy nang mapagtatalo ang ipinanlaban sa judo, weightlifting, rowing at shooting. (BRM)

ANG JAPAN

ANG LAOS

ASIAN GAMES

FAR EAST

HUMAKOT

KASABAY

KASUNOD

MYANMAR

SOUTH EAST ASIA

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with