^

PM Sports

May binabalak ang Gilas vs Iran

Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos iparamdam sa buong mundo ang kakayahan ng mga Pinoy sa larangan ng basketball, mataas ngayon ang ekspektasyon sa Gilas Pilipinas sa kanilang pagkampanya sa Asian Games.

Isa sa misyon ng Gilas ay talunin ang Iran sa kanilang pinakakaabangang paghaharap sa dara-ting na Huwebes.

Umabot na sa 41 taon na hindi nananalo ang Pinas kontra sa Iran sa FIBA tourney at ang huli ay ang kanilang kabiguan noong 2013 FIBA-Asia Championships finals na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Inaasahang mawa-wakasan na ito ng mga Pinoy cagers lalo pa’t kagagaling lamang sa pagkampanya sa FIBA World Cup sa Spain.

Hindi imposible ito dahil nawakasan ang 21 taong pagtatalo sa China noong  2007. Naalis na rin ang kamalasang inaabot sa Korea na kanilang sinibak sa FIBA-Asia championships noong nakaraang taon.

Huling nanalo ang Pinas sa Iranians sa ABC tourney noong 1973 sa Manila. Ang pinakama-laking panalo ng Gilas Pilipinas sa Iran ay ang 77-75 win noong  2012 Jones Cup sa Taipei.

Pero nakabawi agad sila sa FIBA Asia Cup rematch sa Tokyo makalipas ang isang buwan at mula noon ay lagi nang dinodomina ni Hamed Haddadi at ng kanyang mga kasama ang mga Pinoy.

Samantala wala pang nangyayaring pansinan sa pagitan ng mga mi-yembro ng Gilas Pilipinas team at sa kanilang dating coach na si Rajko Toroman ng Serbia.

At tanging si Gilas assistant coach Jong Uichi-co ang nakasalubong ni Toroman na ang hawak nga-yong Jordan team ay kasama ng mga Filipino athletes sa Bldg. 603 sa 17th Incheon Asian Games Athletes Village, ayon kay mentor Chot Reyes.

Matapos ang kanyang pagiging coach ng Gilas Pilipinas ay nagsilbi si Toroman bilang team consultant para sa Barako Bull at sa Petron Blaze bago tinanggap ang coaching job sa Jordan.

Si Toroman ay sikat sa international basketball matapos igiya ang Iran sa 2008 Olympics sa Beijing.

Tinulungan din niya ang Pilipinas sa 4th place finish sa 2011 Fiba Asia Championship.

“Hindi pa kami nagkikita e. As of now, first among our order of business is to scout our rivals and practice,” sabi ni Reyes.

Ginawa ng Gilas ang kanilang practice session noong Sabado sa Song Do High School gym, ilang kilometro ang layo sa Athletes’ Village.

ASIA CHAMPIONSHIPS

ASIA CUP

ASIAN GAMES

BARAKO BULL

CHOT REYES

FIBA ASIA CHAMPIONSHIP

GILAS

GILAS PILIPINAS

HAMED HADDADI

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with