NU, UE pag-aagawan ang No. 4 seat

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng National University at ng Uni­versity of the East ang No. 4 berth sa Final Four sa kanilang playoff match ngayong alas-4 ng hapon sa 77th UAAP men’s bas­ketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtapos na may mag­­katulad na 9-5 baraha ang Bulldogs at ang Red Warriors matapos ang eli­mination round.

Ang mananalo sa pa­gi­tan ng NU at UE ang ku­kuha sa No. 4 seat at lalabanan ng No. 1 Ate­neo De Manila Universi­ty sa Final Four.

Ang No. 1 at No. 2 teams ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa semifinals laban sa No. 4 at No. 3 squads, ayon sa pagkakasunod.

Pag-aagawan naman ng nagdedepensang De La Salle University at ng Far Eastern University ang No. 2 spot bukas sa Big Dome.

Habang isinusulat ito ay wala pang desis­yon ang UAAP Board kung ka­­­kanse­lahin ang laro nga­­­yong ha­pon dahil sa pag­hagupit ng bagyong ‘Ma­rio’ sa Metro Manila.

Nabigo ang Bulldogs na maibulsa ang No. 4 berth matapos yumukod sa Green Archers, 56-68, noong na­ka­raang Sabado.

Giniba naman ng Red Warriors ang talsik nang Uni­versity of Santo Tomas Tigers, 78-73, noong na­karaang Martes para ma­kakuha ng playoff.

Kasalukuyang sumasakay ang Red Warriors sa isang five-game winning streak.

Sina scoring guard Roi Su­mang, Bong Galanza at 6-foot-8 Sier­ra Leone import Charles Mammie ang mu­ling mangunguna para sa Recto-based cagers.

Kumpiyansa naman si NU mentor Eric Altamirano na lalaban nang saba­yan ang kanyang koponan para ma­kamit ang No. 4 seat at makatapat ang Ate­neo. (ATan)

Show comments