MADRID, Spain -- Nang mag-usap sina team manager Jerry Colangelo at head coach Mike Krzyzewski para sa pagbubuo ng koponang isasabak sa 2014 FIBA World Cup of Basketball, ang isa sa pinakamalaking istorya ay ang pagbabalik sa aksyon ni Chicago Bulls point guard Derrick Rose.
Sampung laro lamang ang nilaruan ng 2010-11 NBA MVP at three-time All-Star sa nakaraang dalawang NBA seasons bunga ng ilang major knee injuries.
Ang paglalaro niya sa FIBA World Cup ay sinasabing kanyang ‘comeback tour’.
Noong Agosto ay inihayag ni Krzyzewski na bumalik na sa kanyang pamatay na porma si Rose.
Ngunit tila hindi pa rin handa si Rose.
Hindi siya naglaro sa isang exhibition game dahil sa pamamaga ng kanyang tuhod.
Nahirapan din siyang maglaro sa nakaraang FIBA World Cup.
Sa siyam na laro ng Team USA ay nagtala si Rose ng mga averages na 4.8 points mula sa 25.4 percent fieldgoal shooting, kasama rito ang 1-of-19 clip sa three-point line, 3.1 assists at 2.0 turnovers sa 17.1 minutes per game.
Siya rin lamang ang American na hindi nakaiskor sa kanilang gold medal match ng Serbia, ngunit nagbigay naman siya ng 6 assists.