Ateneo, Far Eastern agawan sa twice-to-beat advantage
MANILA, Philippines - Paglalabanan ngayon ng Ateneo Blue Eagles at FEU Tamaraws ang unang twice-to-beat advantage habang makakasiguro naman ng slot sa Final 4 ang mananalo sa pagitan ng La Salle Green Archers at Natio-nal University Bulldogs sa pagpapatuloy ng 77th UAAP men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Magkasalo ang Eagles at Tamaraws sa unang puwesto sa 10-3 karta kaya’t ang mananalo sa larong magsisimula sa ganap na ika-2 ng hapon ang siyang kikilalanin bilang number one team at makakaharap ang papang-apat sa Final Four.
Ang ikalawang laro ay magsisimula dakong alas-5:30 ng hapon at ang papalarin sa Archers at Bulldogs ang lalabas na number three team at makikipagtagisan sa matatalo sa first game para sa mahalagang twice-to-beat advantage sa kanilang pagkikita sa semifinals. Ang matatalo naman ang makakabangga ng UE Red Warriors sa playoffs kung manalo sila sa UST sa Setyembre 16 sa pagtatapos ng double round elimination.
Dahil parehong maha-laga ang labanan, nagdesisyon ang pamunuan ng liga na paghiwalayin ang benta ng ticket sa mga larong ito.
Naunsiyami ang Ta-maraws na mahawakan ang solo liderato papasok sa huling asignatura nang durugin ng Red Warriors, 71-94.
Ito ang unang pagkakataon sa dalawang taong pag-upo ni coach Bo Perasol na nakapasok ang Ateneo sa Final Four.
Masaya ang buong koponan pero malinaw sa lahat na hindi lamang ang Final Four ang kanilang target kungdi ang maka-tapak uli sa championship na huling nangyari noong Season 75.
Tinalo ng Ateneo ang FEU sa unang pagkikita, 81-78 at pihadong babandera uli si Kiefer Ravena upang lumapit sa isang panalo ang Eagles para makarating sa championship round.
Inaasahang balikatan ang labanan sa ikalawang laro dahil ang una nilang pagtutuos ay naging mahigpitan kung saan nanalo ang Archers sa pamamagitan ng dalawang puntos lamang, 57-55. (AT)
- Latest