^

PM Sports

Globalport lusot sa LG Sakers

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Kung bigo ang Barangay Ginebra sa Korean team na LG Sakers, hindi hinayaan ng Globalport na ito rin ang kanilang magiging kapalaran.

Umiskor si sophomore guard Terrence Romeo ng game-high na 26 points, habang nagdagdag si roo-kie Fil-Am guard Stanley Pringle ng 19 markers para ihatid ang Globalport sa 79-78 panalo laban sa bisitang LG Sakers sa kanilang tune-up game noong Miyerkules ng gabi sa Gatorade Hoops Center.

Ang 22 points ay itinala ni Romeo sa first half laban sa Sakers, nauna nang tinalo ang Ginebra Gin Kings, 81-76 sa kanilang exhibition match na tinaguriang ‘Asian Basketball Showdown’ sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsalpak ng isang 18-footer si Pringle, ang No. 1 overall pick sa 2014 PBA Rookie Draft, laban kay Bae Byung Jun ng Sakers para ibigay sa Batang Pier ang 79-76 bentahe sa huling dalawang minuto ng fourth quarter.

Hindi natapos ng 27-anyos na Fil-Am guard ang laro matapos pulikatin sa kanyang kanang binti.

Nanalo ang Globalport sa Sakers bagama’t hindi naglaro ang mga beteranong sina Alex Cabagnot, Kelly Nabong, Yancy de Ocampo at Jay Washington.

Ang 6-foot-7 na si Washington ay nakasama ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Pinaghahandaan ng Batang Pier, nagtala ng tig-isang panalo sa nakaraang 2014 PBA Commissioner’s at Governors’ Cup, ang darating na 40th season ng PBA na magsisimula sa Oktubre.

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

ASIAN BASKETBALL SHOWDOWN

BAE BYUNG JUN

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

FIL-AM

GATORADE HOOPS CENTER

GILAS PILIPINAS

GINEBRA GIN KINGS

GLOBALPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with