^

PM Sports

PBA ia-adjust ang schedule ng Kia para makapanood ng laban ni Pacquiao

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kailangang mag-adjust ng PBA sa schedule ng mga laro ng Kia Sorentos ni Manny Pacquiao sa kahilingan ni Columbian Autocar Corp. vice chairman Bienvenido (Chito) Santos.

Inimbitahan ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao ang mga coaches at players ng kanyang Kia Motors PBA team para manood ng kanyang title defense kontra sa walang talong si Chris Algieri sa Venetian Resort sa Macau sa Nov. 23.

Nais niyang makita ang suporta ng kanyang koponan na balak niyang paupuin sa ikalawang row ng audience na suot ang Sorentos caps.

Sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud na aayusin nila ang schedule ng mga laro ng Sorentos sa nalalapit na Philippine Cup para malibre ang koponan upang makapanood ng laban ni Pacquiao.

Kahit wala si Pacquiao sa draft ay hinugot siya ng Kia in absentia bilang 11th pick sa first round ng PBA draft noong nakaraang buwan.

Siya ang magiging playing coach ng Sorentos. 

Nasa China noon si Pacquiao sa pagsisimula ng kanyang promotional tour na inorganisa ng Top Rank para sa kanilang laban ni Algieri.

Inaasahang lalaro si Pacquiao sa debut game ng  Kia laban sa isa pang expansion team na Blackwater sa pagbubukas ng PBA  ng kanilang 40th anniversary season sa Oct. 19 na posibleng gawin sa 55,000-seat Philippine Arena. 

Dahil nasa kasagsagan na siya ng pagsasanay sa laban kontra kay Algieri sa mga panahong ito, inaasahang ang kanyang debut game ang tangi niyang mailalaro at makakalaro lamang uli pagkatapos ng kanyang laban sa Macau.

May ulat na kukuha si Pacquiao ng Amerikanong basketball coach para gumabay sa kanya ng anim na buwan.

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

COLUMBIAN AUTOCAR CORP

COMMISSIONER CHITO SALUD

KIA

KIA MOTORS

KIA SORENTOS

PACQUIAO

SORENTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with