^

PM Sports

Phl athletes hinimok ni P-Noy na ibigay ang lahat sa Asian Games

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinimok ni Pangulong Benigno Aquino III ang pambansang atleta na ibigay ang lahat ng makakaya para sa 100 milyon Filipino na mananalangin habang sila ay kumakampanya sa Asian Games sa Incheon Korea.

Si Secretary Jose Rene Almendras ang nagbasa sa mensahe ng Pangulo na itinuring ang mga panalo na ang 150 atleta na napili na balikatin ang laban ng bansa sa Incheon.

Pero hindi dapat makontento ang mga atleta dahil nararapat lamang na ipakita nila sa mundo na tulad sa paglago ng ekonomiya ng bansa ay hindi rin patatalo ang bansa sa larangan ng palakasan.

“As we sendoff today the athletes, we pledge the support of the 10 million Filipino people as they embark on the journey to once again show the world that Filipinos are indeed world class,” wika ni Almendras.

Sina PSC chairman at Chief of Mission Ricardo Garcia at POC president Jose Cojuangco Jr.  ang namuno sa mga sports officials.

Isinabay na rin sa sere-monya ang paggawad ng P2.5 milyon kay archer Luis Gabriel Moreno bu-nga ng gintong medalya na nakuha sa Youth Olympic Games sa Nanjing China.

Nananalig sina Garcia at Cojuangco na magsisilbing inspirasyon sa mga Pambansang atleta ang nakuhang insentibo ni Moreno para magpursigi sa Asiad. (AT)

ALMENDRAS

ASIAN GAMES

CHIEF OF MISSION RICARDO GARCIA

INCHEON KOREA

JOSE COJUANGCO JR.

LUIS GABRIEL MORENO

NANJING CHINA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SI SECRETARY JOSE RENE ALMENDRAS

YOUTH OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with