Red Lions sinolo ang liderato

MANILA, Philippines - Kumolekta ang San Be­da Red Lions ng season-high sa puntos kay Ola Adeogun, habang may 10 tres na naipasok ang mga shooters patu­ngo sa 78-54 panalo laban sa St. Benilde Bla­zers sa 90th NCAA men’s bas­ket­ball kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Tumapos si Adeogun bitbit ang 28 puntos bukod sa 16 rebounds at 2 blocks para manalasa ito sa ilalim.

Nasabayan pa ito ng magandang buslo sa 3-point line sa second half ni­na Baser Amer at Von Aba­tayo para maipaghi­ga­nti rin ng four-time de­fending champions ang unang pag­katalo sa season na ipi­nalasap ng Bla­zers, 76-83, noong Hulyo 28.

Naghatid si Amer ng 13 puntos, habang si Abatayo ay may siyam mula sa tatlong rainbow shots para kalmutin ng Lions ang ika-10 panalo matapos ang 12 laro.

San Beda 78 -- Adeogun 28, Amer 13, Koga 9, Abatayo 9, Dela Cruz 6, Sara 5, Mendoza 4, A. Se­merad 2, Mocon 2, D. Se­merad 0, Pascual 0.

CSB 54 -- Taha 12, Grey 10, Saavedra 9, Sinco 7, Bartolo 6, Romero 5, Nayve 3, Ongteco 2, Jon­son 0, Pajarillaga 0, Alta­mirano 0.

Quarterscores: 9-16, 26-21, 53-34, 78-54.

 

Show comments