Aroga nahirang na Player of the Week

MANILA, Philippines - Ang dominanteng pag­lalaro ni Alfred Aroga ang siyang dahilan kung bakit nakasalo ang National Uni­versity Bulldogs sa ikat­long puwesto sa 77th UAAP men’s basketball tour­nament.

Sa huling laro laban sa Ateneo Blue Eagles ay pi­natunayan ni Aroga na si­ya ay isa kundi pinaka­ma­­tinding manlalaro sa sha­­ded area para bitbitin ang Bulldogs sa 76-66 pa­nalo at makasalo ang Blue Eagles sa ikatlong puwesto sa 7-3 karta.

Kinapos lamang si Aro­ga ng dalawang blocks para sana sa triple-double per­formance sa ibinigay na 15 puntos, 11 rebounds at season-high 8 blocks.

Bago ito ay gumawa ang Cameroonian center ng 12 rebounds, pitong puntos at dalawang blocks para tulungan ang NU sa 71-50 pananaig sa Adamson Falcons.

Dahil dito, si Aroga ang siyang ginawaran ng UAAP Press Corps ng Accel Quantum Plus/3XVI Player of the Week citation.

Dinaig niya para sa lingguhang citation na su­portado ng Bactigel Hand Sanitizer, Mighty Mom Dishwashing at Dr. J Rubbing Alcohol sina Ro­ger Pogoy ng FEU at Al­mond Vosotros ng La Salle na nagbida sa kinuhang pa­nalo sa kanilang  mga ko­ponan para maiwang mag­kasalo sa liderato sa 7-2 baraha.

Show comments