^

PM Sports

Pringle handang-handa na sa bakbakan sa PBA

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay da­pat nang pangilagan ang three-guard rotation ng Globalport para sa da­ra­ting na 40th season ng PBA sa Oktubre.

Ito ang babala ni team owner Mikee Romero ma­tapos kunin si Fil-Am guard Stanley Pringle bilang No. 1 overall pick ng 2014 PBA Rookie Draft no­ong Linggo.

Sinabi ni Romero na ihahanay niya ang 27-anyos na si Pringle ki­na guards Alex Cabagnot at Terrence Romeo.

“It should be a challenge for the coaches as well as for team management kung paano papai­ku­tan ‘yung three-headed monster,” sabi ni Romero kina Pringle, Cabagnot at Romeo.

Ang 5-foot-11 na si Pringle ay naglaro na sa Asean Basketball League bukod pa sa pagkampan­ya sa Belgium, Poland at Ukraine.

“I can bring a little more experience since this is not my first professio­nal season,” wika ni Pringle, anak ng isang retiradong US Na­­vy veteran na si Stanley Sr. at ni Filipina El­vira Ojano Andres ng Ca­ga­yan Valley.

Maliban kay Pringle, kinuha din ng Batang Pier sa PBA Draft sina Fil-Australian forward An­thony Semerad ng San Beda, center Prince Ca­peral at guard John Pinto ng Arellano.

ALEX CABAGNOT

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

BATANG PIER

FILIPINA EL

JOHN PINTO

MIKEE ROMERO

OJANO ANDRES

PRINCE CA

SAN BEDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with