Nationals nanaig sa Malaysia

MANILA, Philippines - Sumandal ang Batang Gilas sa isang three-point shot ni Joshua Andrei Caracut para talunin ang Malaysia, 72-69, at itakda ang kanilang quarterfinal showdown ng Chinese-Taipei sa 23rd FIBA-Asia Under-18 Championship saAl-Gharafa Gym sa Doha, Qatar.

Nagtabla sa 69-69, nagsalpak si Caracut ng isang tres na sumelyo sa panalo ng mga Pinoy kontra sa Malaysians.

Tumapos ang Nationals na may 3-2 (win-loss) record para sikwatin ang No. 3 seed sa Group E at laba­nan ang Chinese-Taipei (4-1), ang No. 2 seed sa Group F sa quarterfinals.

Umiskor si Ranbill Tongco ng 22 points kasunod ang 12 ni Kobe Paras.

Show comments