MANILA, Philippines - Kagaya ng inaasahan, yumukod ang Batang Gilas sa nagdedepensa sa titulong China, 49-91, sa FIBA-Asia Under-18 Championship sa Al Ghafara Stadium sa Doha.
Ito ang ikalawang kabiguan ng Batang Gilas sa apat na laro sa Group E.
Walang Nationals na nakaiskor sa doble-pigura sa kabuuan ng nasabing laro.
Nakatakdang labanan ng koponan ang Malaysia (2-2) sa agawan sa No. 3 spot para sa crossover quarterfinal round.
China 91 – Zhao 25, Yang 14, Zou 13, Sun 11, Shao 11, Zhou 9, Zuo 6, Zhang 2, Shi 0, Wang 0, Wu 0, Liu 0.
Philippines 49 – Bienes 9, Yu 8, Desiderio 8, Mosqueda 4, Santillan 4, Paras 4, Go 3, Black 3, Escoto 2, Dyke 2, Caracut 2, Tongco 0.
Quarterscores: 22-15; 44-25; 64-35; 91-49.