MANILA, Philippines - Gumamit ang FEU Tamaraws ng malakas na panimula upang katampukan ang 66-55 panalo sa UST Tigers at pasikipin muli ang unang puwesto sa 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Binulaga ng Tamaraws ang Tigers, hindi nagamit ang serbisyo ni Kevin Ferrer, ng 24-7 panimula at mula rito ay hindi na nilingon pa ang katunggali para ilista ang ikaapat na sunod na panalo tungo sa 7-2 baraha.
May career-high na 19 puntos si Roger Pogoy, habang si Mark Belo ay sumuporta sa kanyang 12 puntos at 8 rebounds.
Tumapos ang back-up guard taglay ang 11 puntos sa unang 20 minuto ng laro para sabayan ang malakas na paglalaro ni Karim Abdul na may 14 puntos sa first half ngunit dahil sa kulang ang suporta ay naghabol ang koponan sa 25-42 iskor.
Winakasan ni Abdul ang laro sa kanyang season-high na 24 puntos bukod sa 16 rebounds at 4 steals, habang si Louie Vigil ay may 17 puntos.
Pero hindi nakapuntos si Aljon Mariano nang sumablay ang limang buslo para walang makapuno sa produksyon ni Ferrer na may iniindang fractured left hand.
Nakasalo rin ng FEU at pahingang Ateneo ang nagdedepensang La Salle nang hiritan ang UP Maroons ng 86-65 panalo sa unang laro.
Nanumbalik ang husay ni Almond Vosotros sa pagbuslo nang tumapos bitbit ang 21 puntos.
May 13 siya sa first half para maisantabi ang pagsabay ng Maroons na naiwanan lamang ng anim na puntos, 40-34.
Pero kumawala ang Green Archers nang tumulong na sa opensiba sina Jeron Teng, Jason Perkins, Arnold Van Opstal at Abu Tratter para itala ang ika-10 sunod na pananaig laban sa UP.
Ang mga nasabing La Salle players ang nagtulung-tulong para pasiklabin ang 26-11 palitan para hawakan ang 66-50 kalamangan.
Pinakamalaking bentahe sa laro ay 23 puntos, 86-63, sa buslo ni Van Opstal na tumapos tangan ang 12 puntos at 8 boards.
May 15 puntos, 5 rebounds at 5 assists si Teng.
La Salle 86 – Vosotros 21, Teng 15, Perkins 13, Van Opstal 12, Tratter 7, Sargent 6, Montalbo 4, N. Torres 4, Bolick 2, Andrada 2, Rivero 0, Salem 0, Mustre 0.
UP 65 – Gallarza 18, Reyes 14, Moralde 11, Juruena 9, Asilum 5, Vito 2, Gingerich 2, Harris 2, Gonzales 2, Lao 0.
Quarterscores: 20-15; 40-34; 68-53; 86-65.
FEU 66 -- Pogoy 19, Belo 12, Iñigo 8, Jose 8, Ru. Escoto 5, Hargrove 5, Tolomia 4, Dennison 2, Tamsi 2, Ugsang 1, Cruz 0, Denila 0, David 0, Lee Yu 0, Delfinado 0.
UST 55 -- Abdul 24, Vigil 17, Sheriff 8, Daquioag 4, Basibas 2, Lao 0, Mariano 0, Pe 0, Subido 0, Lo 0.
Quarterscores: 24-7; 42-25; 59-37; 66-55.