^

PM Sports

Tamaraws, Green Archers muling nakisalo sa liderato

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gumamit ang FEU Tamaraws ng malakas na panimula upang katampukan ang  66-55 panalo sa UST Tigers  at pasikipin muli ang unang puwesto sa 77th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Binulaga ng Tamaraws ang Tigers, hindi nagamit ang serbisyo ni Kevin Ferrer, ng 24-7 panimula at mula rito ay hindi na nilingon pa ang katunggali para ilista ang ikaapat na sunod na panalo tungo sa 7-2 baraha.

May career-high na 19 puntos si Roger Pogoy, habang si Mark Belo ay sumuporta sa kanyang 12 puntos at 8 rebounds.

Tumapos ang back-up guard taglay ang 11 puntos sa unang 20 minuto ng laro para sabayan ang malakas na paglalaro ni Karim Abdul  na may 14 puntos sa first half ngunit dahil sa kulang ang suporta ay naghabol ang koponan sa 25-42 iskor.

Winakasan ni Abdul ang laro sa kanyang season-high na 24 puntos bu­kod sa 16 rebounds at 4 steals, habang si Louie Vigil ay may 17 puntos.

Pero hindi nakapuntos si Aljon Mariano nang su­mablay ang limang buslo para walang makapuno sa produksyon ni Ferrer na may iniindang fractured left hand.

Nakasalo rin ng FEU at pahingang Ateneo ang nagdedepensang La Salle nang hiritan ang UP Maroons ng 86-65 panalo sa unang laro.

Nanumbalik ang husay ni Almond Vosotros sa pagbuslo nang tumapos bitbit ang 21 puntos.

May 13 siya sa first half para maisantabi ang pagsabay ng Maroons na naiwanan lamang ng anim na puntos, 40-34.

Pero kumawala ang Green Archers nang tu­mu­long na sa opensiba si­na Jeron Teng, Jason Perkins, Arnold Van Opstal at Abu Tratter para itala ang ika-10 sunod na pananaig  laban sa UP.

Ang mga nasabing La Salle players ang nag­tulung-tu­long para pasik­labin ang 26-11 palitan pa­ra ha­wa­kan ang 66-50 kalama­ngan.

Pinakamalaking ben­ta­­he sa laro ay 23 puntos, 86-63, sa buslo ni Van Opstal  na tumapos tangan ang 12 puntos at 8 boards.

May 15 puntos, 5 rebounds at 5 assists si Teng.

La Salle 86 – Vosotros 21, Teng 15, Perkins 13, Van Opstal 12, Tratter 7, Sargent 6, Montalbo 4, N. Torres 4, Bolick 2, Andrada 2, Rivero 0, Salem 0, Mustre 0.

UP 65 – Gallarza 18, Re­yes 14, Moralde 11, Juruena 9, Asilum 5, Vito 2, Gin­gerich 2, Harris 2, Gonzales 2, Lao 0.

Quarterscores: 20-15; 40-34; 68-53; 86-65.

FEU 66 -- Pogoy 19, Be­lo 12, Iñigo 8, Jose 8, Ru. Es­coto 5, Hargrove 5, Tolomia 4, Dennison 2, Tamsi 2, Ugsang 1, Cruz 0, Denila 0, David 0, Lee Yu  0, Delfinado 0.

UST 55 -- Abdul 24, Vi­gil 17, Sheriff 8, Daquioag 4, Basibas 2, Lao 0, Mariano 0, Pe 0, Subido 0, Lo 0.

Quarterscores: 24-7; 42-25; 59-37; 66-55.

 

ABDUL

ABU TRATTER

ALJON MARIANO

ALMOND VOSOTROS

ARNOLD VAN OPSTAL

LA SALLE

PUNTOS

SHY

VAN OPSTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with