Army at Cagayan asam ang tiket sa Finals

MANILA, Philippines - Wala nang ibang na­sa isip ang nagdedepen­sang Rising Suns at La­dy Troopers kundi ang wa­lisin ang kani-kanilang best-of-three semifinals se­ries.

Bitbit ang 1-0 bentahe sa serye, lalabanan ng No. 3 Cagayan Valley ang No. 2 PLDT Home Telpad nga­yong alas-2 ng hapon at sasagupain ng No. 1 Philippine Army ang No. 4 Philippine Air Force sa alas-4 sa Game Two ng Final Four sa Shakey’s V-League Season 11 Open Con­ference sa The Arena sa San Juan.

Parehong nanaig ang Ri­sing Suns at Lady Troo­pers sa Turbo Boosters at Air Spikers sa Game One para makalapit sa Finals na gagawin sa best-of-five se­ries.

Muling aasahan ng Ca­gayan sina top hitter Ai­za Maizo, Janine Marcia­no, Pau Soriano, Wenneth Eulalio at Rosemarie Vargas sa mid-season confe­rence na itinataguyod ng Sha­­key’s katuwang ang Mi­­ka­­sa at Accel.

Humataw si Maizo, may average na 16 hits sa eliminations at quarter­finals, ng 12 points sa Game One para talunin ang PLDT, 25-11, 16-25, 25-14, 25-20.

Ibabandera ng Turbo Boosters sina Sue Ro­ces, Gretchel Soltones, Liz­lee Ann Pantone, Royce Es­tampa, Laurence Ann La­tigay at Angela Ben­ting.

Sa ikalawang laro, pipilitin ng Army na tapusin ang kanilang serye ng Air Force.

Sasandal ang Lady Troo­pers kina ace hitter Ra­chel Ann Daquis, Jo­ve­lyn Gonzaga, Nerissa Bau­tista, Mary Jean Bal­se, Genie Sabas at Joanne Bunag.

Nagtumpok sina Sabas at Bunag ng pinagsamang 24 points para ihatid ang Lady Troopers sa 24-26, 25-19, 25-20, 25-19 ta­gumpay laban sa Air Spi­kers sa Game One.

Show comments