Kia Motors tatapatan ng Blackwater
MANILA, Philippines - Kung maglalaro man si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao bilang playing coach ng Kia Motors ay may nakahandang pantapat sa kanya ang Blackwater Sports Elite.
Sinabi ni Blackwater team owner Dioceldo Sy na kayang depensahan nina veteran guards Chris Timberlake at Paul Artadi ang 5-foot-6 1/2 na si Pacquiao sa loob ng basketball court sakaling matuloy ang paghaharap ng Kia at Blackwater sa pagbubukas ng 40th PBA season sa Oktubre 19.
“We’ll put an honest-to-goodness defense on Manny as we can’t afford any surprises from him baka ma-knockout kami,” sabi ni Sy kay Pacquiao. “Right now, we’ve got Chris Timberlake and Paul Artadi playing point guard so we’ll match up Manny against either of them. If we’re lucky to get Juami Tiongson in the draft, he’ll be another point guard on our team.”
Ipinanukala ni Sy na sina Pacquiao, ang WBO welterweight champion at Dr. Hayden Kho na kapwa mga gospel evangelists, ang maghatid ng opening prayer sa pagbubukas ng 40th season na planong gawin sa 55,000-seat Phi-lippine Arena sa Bulacan.
Maliban sa laban ng Blackwater at Kia Motors, nasa binabalak ring twinbill ang Talk ‘N’ Text kontra sa Barangay Ginebra San Miguel sa ikalawang laro.
Sinabi ni Eric Pineda, ang business manager, ni Pacquiao, na maglalaro ang fighting Congressman ng Sarangani para sa Kia sa pagsagupa sa Blackwater.
Inaasahan ni Pineda na makukuha ng Kia ang 35-anyos na si Pacquiao sa rookie draft na nakatakda sa Agosto 24 sa Robinson’s Manila.
Ayon kay Pineda, balak ng Kia na dalhin si ring announcer Michael Buffer para sa inaugural program, habang ipaparada ng Blackwater ang mga Ever Bilena celebrity endorsers na kagaya nina Christian Bautista, Sunshine Cruz, Francine Prie-to at Sam Concepcion.
Si Cristine Reyes ang tatayo nilang muse.
Sinabi ni Sy na ang makakasama sa line-up ng Blackwater ay depende kay head coach Leo Isaac at kanyang staff na sina Patrick Aquino, Aris Dimaunahan at Boy Sablan.
“Our goal is to be a contender within three years,” wika ni Sy. “Maybe, we’ll pick high in next year’s draft so we can upgrade our lineup. This season, we’ll be happy to win three or four games in the first conference. We know every team is tough. We’re preparing for Kia and maybe, we can upset a few teams along the way.”
Ang mga inaasahang mapapabilang sa team ay sina Danny Ildefonso, Alex Nuyles, J. R. Cawaling, Eddie Laure, Faundo, Erram, Artadi, Gilbert Bulawan, Bam-Bam Gamalinda, Timberlake, Norman Gonzales at Robby Celiz.
- Latest