^

PM Sports

Sa 2014 Antibes International Basketball Tournament: Gilas Pilipinas pinakaba ang France

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsalpak ang Gilas Pi­lipinas ng 12 three-point shots.

Ngunit iniligtas ni NBA player Nicola Batum ang France mula sa kan­yang hinugot na 14 points sa second half para sa kanilang 75-68 panalo sa pagsisimula ng 2014 An­tibes International Basketball Tournament. 

Tumapos si Batum na may 16 points para sa France na hindi nakuha ang serbisyo ni San Anto­nio Spurs’ point guard To­ny Parker dahil sa injury.

Sinamantala ng France ang pag-upo ni 6-foot-11 naturalized center Andray Blatche sa halos kabuuan ng fourth quarter.

Nagkaroon si Blatche, nagtala ng 12 points, ng sprained right ankle sa dulo ng third period, ngu­nit tatlong minutong naka­paglaro sa pagsisimula ng final canto.

“Nice effort vs France to­night,” sabi ni Gilas Pili­pinas’ coach Chot Reyes sa kanyang Twitter account na @coachot. “We need to keep improving and play better against Aus­tralia tomorrow.”

Ang France ay No. 8 sa buong mundo at may anim na NBA players sa ka­nilang koponan.

Samantala, umiskor na­man ang Australia ng 75-65 panalo laban sa Uk­raine sa nasabing four-nation pocket tournament na preparasyon para sa FIBA World Cup sa Spain.

Nakatakdang labanan ng Nationals ang mga Aus­sies.

ANDRAY BLATCHE

ANG FRANCE

AUS

CHOT REYES

GILAS PI

GILAS PILI

INTERNATIONAL BASKETBALL TOURNAMENT

NICOLA BATUM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with