SACRAMENTO, Calif. -- Si Sim Bhullar ang naging kauna-unahang player na may lahing Indian na pumirma ng kontrata sa isang NBA team.
Lumagda ang 7-foot-5 na si Bhullar para makasama sa training camp ng Sacramento Kings, ngunit hindi ibinunyag ang detalye ng kontrata.
“I’ve long believed that India is the next great frontier for the NBA, and adding a talented player like Sim only underscores the exponential growth basketball has experienced in that nation,” sabi ni Kings owner Vivek Ranadive, ang unang Indian-born majority owner sa NBA.
Ang 360-pound na si Bhullar ay isinilang sa Toronto at naglaro ng dalawang seasons para sa New Mexico State kung saan siya nagtala ng mga averages na 10.2 points, 7.2 rebounds at 2.9 blocks.
Dalawang beses siyang hinirang na Western Athletic Conference tournament MVP.