LeBron haharap sa Miami sa Oct. 12 sa Brazil

CLEVELAND -Lalaro si LeBron James sa kanyang unang  preseason game kasama ang Cavaliers dito sa Cleveland bago niya harapin ang kanyang da-ting  team na Miami Heat sa Brazil.

Bubuksan ng Cavs ang kanilang exhibition season sa Oct. 5 laban sa Maccabi Tel Aviv, ang Israeli club na dating hawak ng bagong Cleveland coach na si David Blatt. Ito ang unang laro ni James sa Cavs na kanyang binalikan matapos lumaro ng 4-years sa Miami.

Sa Oct. 12, haharapin ni James at ng Cavs ang Heat sa Rio De Janiero. Nanalo si James ng dalawang NBA titles at nakarating ng NBA Finals ng apat na sunod na season nang kasama pa siya ng Heat.

Lalaro din ang Cavs sa Cincinnati sa Oct. 15 laban sa Indiana at kontra sa Chicago sa Columbus sa Oct. 20 sa Ohio State campus.

Show comments