Humphries sa Wizards

WASHINGTON  -- Nakuha ng Washington Wi-zards si forward Kris Humphries mula sa Boston Celtics kapalit ng 2015 second-round draft pick.

Lumaro si Humphries ng 69 games at nag-average ng 8.4 points at 5.9 rebounds noong nakaraang season sa Boston.

Sa loob ng 10 seasons sa Jazz, Raptors, Mavericks, Nets at Celtics, siya ay nag-a-average ng 6.8 points at 5.5 rebounds.

Nakita si Humphries sa kanyang best season noong 2011-12 sa kanyang average na 13.8 points at 11.0 rebounds para sa Nets. Napili siya bilang 14th pick noong 2004 draft ng Jazz mula sa Minnesota.

 

Show comments