James di makapagdesisyon kung No. 6 o No. 23 jersey

CLEVELAND – Kailangan uling gumawa ni LeBron James ng mala-king desisyon.

Ginamit ng NBA superstar ang social media Friday para makapili siya kung anong numero ang kanyang gagamitin sa jersey sa paglalaro sa Cavaliers sa darating na NBA season.

Isinulat ni James ang “6 or 23....’’ sa kanyang Twitter account at nag-post ng picture sa Instagram kung saan nakasuot siya ng No. 6 at No. 23 wine at gold Cavs jerseys.

Ginamit ni James ang No. 6 sa kanyang apat na seasons sa Miami gayundin sa U.S. Olympic team. Ginamit naman niya ang No. 23 noong high school sa kanyang pitong seasons sa Cleveland.

Si James ang top-selling jersey sa NBA ng anim na beses sa kanyang career.

Ang kanyang pagbabalik sa Cleveland ay mala-king tulong sa Cleveland  dahil ubos agad ang seasons tickets matapos ang announcement.

Pumirma si James ng two-year, $42.1 million contract  noong nakaraang linggo sa Cavs.

Ang 29-gulang na si James ay iwe-welcome back sa kanyang hometown sa Akron sa Aug. 8, ayon sa pahayag ng foundation ng kanyang pamilya noong Biyernes. “Welcome Home LeBron Community Rally’’ will be held at InfoCision Stadium on the University of Akron’s campus following James’ annual ‘Wheels for Education’ event.

 

Show comments